JACLYN JOSE NAMATAY SA ATAKE SA PUSO

INANUNSYO kahapon ng anak ng batikang aktres na si Jaclyn Jose o Mary Jane Guck sa tunay na buhay na myocardial infarction o heart attack ang ikinamatay nito.

Humarap si Andi Eigenmann sa mga mamamahayag upang tuldukan ang mga haka-haka hinggil sa biglaang pagkamatay ng ina.

Pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 nitong March 2.

Hiling ng pamilya ng batikang aktres sa publiko na ipagdasal ang kaluluwa nito at hayaan ang pamilya Guck at Eigenmann na pribadong magdalamhati at irespeto ang kanilang kasalukuyang pinagdadaanan.

Isa sa mga pinagbidahan ni Jaclyn ang pelikulang Ma’Rosa at tinanghal bilang Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival sa kanyang pagganap sa naturang pelikula.

181

Related posts

Leave a Comment