UMAASA ang 44% ng mga Pilipino na mananatiling pareho sa susunod na 12 buwan ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang lumabas sa resulta ng December 2023 Social Weather Stations (SWS) survey.
Sa resulta ng survey na ipinalabas ng SWS, nitong Miyerkoles, Pebrero 28, 40% ang naniniwala na may positibong mangyayari sa ekonomiya, 10% ang nagsabi na lalala pa ito at may 5% ang hindi nagbigay ng sagot.
Gumamit naman ang SWS ng termino na “optimists” para sa mga naniniwala ng magi-improve ang ekonomiya ng bansa, “pessimists” para naman sa nag-iisip na magiging malala ito at “no change” para sa mga nagsabing mananatili itong pareho.
Ayon sa SWS, “the percentage of economic optimists minus the percentage of economic pessimists yielded a net economic optimism score of +30,” klasipikado (classify) ito ng SWS bilang “very high” (+30 to +39).
Sinabi pa ng SWS na ang net economic optimism ay nananatiling ‘very high’ subalit bumaba sa +30 noong Disyembre 2023 mula +35 noong Setyembre 2023.
“It has been at very high levels since March 2023, following a decline from the excellent levels from December 2021 to December 2022,” ayon sa ulat ng SWS.
“It used to be at mediocre levels of -9 in July 2020 and -5 in September 2020 and a high +24 in November 2020, during the first year of the COVID-19 pandemic,” dagdag na wika nito.
“As of December 2023”, ang Kalakhang Maynila ang mayroong pinakamataas na net economic optimism (+36), sumunod ang Mindanao (+32), Balance Luzon, o Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila (+30), at Visayas (+25).
Samantala, ang Fourth Quarter 2023 SWS Survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews na may 1,200 adult respondents sa buong bansa.
Ang sampling error margins ay ±2.8% para sa national percentages, at ±5.7% kada isa para sa Kalakhang Maynila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
(CHRISTIAN DALE)
804