Kung ‘di palalawigin termino ng PNP chief DANAO O SERMONIA PAPALIT KAY CARLOS

TALIWAS sa nakagawian, dalawang heneral na lang ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na hepe ng Philippine National Police – yan ay kung hindi na palawigin pa ang termino ni PNP chief General Dionardo Carlos na nakatakdang magretiro sa Mayo 8, 2022.

Usap-usapan sa Kampo Crame ang diumano’y isinumiteng talaan sa Palasyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año para sa babakantehing pwesto ni Carlos na magdiriwang ng kanyang ika-56 kaarawang hudyat ng mandatory age retirement sa PNP.

Ayon sa Kalihim, dalawang pangalan lang ang nakatala sa shortlist na ipinadala sa Palasyo – sina PNP deputy chief for administration lieutenant General Rhodel Sermonia at Lieutenant General Vicente Danao na tumatayong hepe ng PNP Directorial Staff.

“I have already submitted my recommendation on Tuesday to the President alongside with the National Police Commission (NAPOLCOM) Resolution 2022-0236. I have submitted the names of two senior police

officials who may be designated by the President as the replacement of Gen. Dionardo Carlos in an acting capacity upon his retirement on May 8, 2022,” pag-amin pa ng DILG chief.

Gayunpaman, hindi pa rin isinasantabi ng Kalihim ang posibilidad ng pagpapalawig ng termino ni Carlos.

“Possible pa din ang extension, discretion pa din ni Pangulo,” pagtatapos ni Año. (JESSE KABEL)

86

Related posts

Leave a Comment