MAGSASAKA BINARIL NG NAKAAWAY NI MISIS

QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng lalaking nakaaway ng kanyang asawa sa Brgy. Lutucan Malabag, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jerome Gonzales Dumdumaya, 42-anyos.

Batay sa report ng Sariaya Police, dakong alas-11:30 ng gabi, pinuntahan ng biktima ang suspek na si Manolito Alvarez An sa bahay nito para komprontahin hinggil sa naunang pangyayari na pag-aaway ni An at ng kanyang asawa.

Subalit nauwi sa mainitang pagtatalo ng dalawa ang pangyayari. Habang nagsasagutan, biglang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ng ilang ulit ang biktima.

Isinugod sa ospital sa Lucena City ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Mabilis namang tumakas ang suspek lulan ng kanyang motorsiklo. Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder. (NILOU DEL CARMEN)

133

Related posts

Leave a Comment