MARCOS JR. DEDMA SA MAHAL NA BIGAS

MISTULANG bingi ang administrasyong Marcos Jr. sa hinaing ng publiko kaugnay sa mahal pa ring bigas sa kabila ng pinairal na price cap kamakailan.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan din ni Marcos, wala itong nakikitang dahilan para muling ipataw ang price ceiling sa bigas sa gitna ng bumubuting suplay nito (bigas) sa bansa.

“Sa dami ng palay, hindi namin nakikita na magkakaroon ng price ceiling,” ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa.

“Maganda ang supply natin ng bigas sa buong bansa. Ngayong October, inaasahan natin na pinakamarami ang harvest for the wet season at magtatapos ito ngayong November,” aniya pa rin.

Winika pa ni De Mesa na ang suplay ng bigas sa bansa ay “very stable” hanggang sa first quarter ng 2024.

Ani De Mesa, nagpatupad lamang naman ng price rice cap noong Setyembre dahil sa pagsirit ng presyo ng bigas kung saan umabot ng mahigit P50 kada kilo ang well-milled rice.

Ngayon, hindi na ito isyu dahil ang presyo ng regular at well-milled rice ay hindi na umaabot sa mahigit na P41 at P45 kada kilo.

Kinontra naman ito ng grupo ng mga magsasaka dahil sa kasalukuyan ay mahal pa rin ang bigas sa maraming lugar sa bansa.

Hindi rin sila naniniwala na matutugunan ng price cap ang pangunahin nilang problema sa pagsasaka.

“Isang malaking anomalya na nasa panahon tayo ng anihan pero napakataas pa rin ng presyo ng bigas at hindi pa rin makatarungan ang presyo ng palay,” ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairperson Danilo Ramos.

Paliwanag ni Ramos, ang pagpapatupad ng price ceiling ay hindi makagagaan sa presyo ng bigas “if cartels continue to dictate and control the supply of rice in the country. Even the government could not do anything about it.”

“We are justified in opposing high rice prices that burden consumers and even farmers who cannot afford to buy it anymore. However, Marcos Jr.’s price ceiling and other palliative measures do not explain why rice is expensive in the country, and more importantly, none of these address the most basic problems of rice farmers,” diing pahayag ni Ramos.

(CHRISTIAN DALE)

367

Related posts

Leave a Comment