KINASTIGO ng chairman ng House committee on overseas Filipino workers si Ambassador Teddy Boy Locsin Jr., kaugnay ng kanyang opinyon sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas na naglalagay umano sa alanganin sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Muslim countries.
“I fully respect Ambassador Teddy Locsin, Jr.’s personal opinion on the Palestine people, including children, and of our Muslim brothers and sisters, no matter how savage, appalling and needlessly provocative,” ani Rep. Ron Salo, chairman ng nasabing komite.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng post ni Locsin na nagsasabing “That’s’ why Palestinian children should be killed: they might grow up to become gullible as innocent Palestinians letting Hamas launch rockets at Israel; not that they could stop them but that’s no excuse.”
Agad ding binura ni Locsin ang kanyang post sa X, dating Twitter at humingi ng paumanhin matapos umani ng batikos lalo na’t siya ang Ambassados ng Pilipinas sa United Kingdom at special envoy sa China.
Ayon kay Salo, bukod sa pagiging ambassador ay iginagalang na journalist si Locsin at dati rin itong kongresista at Secretary ng DFA kaya iresponsable aniya ang opinyon nito sa nangyayaring giyera ng Israel at Hamas.
(BERNARD TAGUINOD)
173