Mayor Baste sa hinarang na Maisug rally MAMAMAYAN BINABASTOS NG BBM ADMIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

ITINUTURING ni Davao City Mayor Baste Duterte na kawalang respeto sa mamamayang Pilipino ang panggigipit at panghaharang na nangyari sa kinanselang Maisug Peace rally sa Bulacan noong Linggo.

“The actions taken by the administration against the scheduled Hakbang ng Maisug Peace Rally in Bulacan is a clear violation of the people’s right to peaceful assembly. What they did has proven, that once again, they do not respect the Filipino people,” ani Baste.

Sa kabila nito ay magpapatuloy aniya ang kanilang laban para sa transparency, accountability, at anomang uri ng panggigipit ng administrasyon.

Para naman sa Human Rights Lawyer at Former Presidential Spokesperson na si Atty. Harry Roque, labas sa Saligang Batas ang paghadlang sa isang mapayapang pagtitipon ng mamamayan.

Pinatutsadahan din niya ang local government officials ng Bustos, Bulacan na pinahirapan umano ang mga organizer ng rally na kukuha ng permit.

“Hoy kayong mga LGU, wala kayong karapatan na pumayag o hindi sa rally. Ang karapatan nyo lang ay sabihin kung san ‘yung lugar, oras, at manner ng pagtitipon. Pero ang rally permit ay nasa Saligang Batas…bill approved ‘yan,” ani Roque.

Nagpasya si dating Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang rally upang maiwasan ang gulo.

Noong Biyernes, idinaing ng organizers ng rally na nahirapan silang makakuha ng permit sa kabila na ang napiling venue ay isang pribadong lugar at naaayon sa Batas Pambansa BP880.

“Hindi po sila nagbigay ng permit. Ngayon kung ayaw nyo ho kami bigyan ng permit kami po ang gumagawa ng aming way para ipakita sa inyo na legal po ‘yung usapan namin ng may-ari, in fact private nga po ‘yun sir eh labas na po ‘yung government kaya lang kung may problema po tayo, para lahat tayo hugas-kamay lahat tayo malinis bigyan nyo nalang po kami ng explanation bakit ho nahihirapan kaming kumuha ng permit, kasi malinaw naman sa sinasaad Sir ng BP880 na hindi naman talaga namin kailangan ng permit,” ayon sa organizer.

Alegasyon ng organizer, ginipit umano ng mga nagpakilalang taga-Malacanang ang may-ari ng lupang pagdarausan sana ng rally kaya ito umatras.

Noong nakaraang buwan ay inakusahan din si Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo na tinangkang pigilan ang Maisug rally sa Davao.

Sinasabing ang pagkabigo ni Lagdameo na mapigilan ang rally ang dahilan kaya nasuspinde si Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib.

49

Related posts

Leave a Comment