DIGONG TUTULUYAN SA GENTLEMAN’S AGREEMENT SA CHINA

TULOY ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa umano’y ‘gentleman’s agreement’ na pinasok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang siniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa kanyang talumpati sa pagbabalik sesyon ng Kongreso kahapon mula sa mahigit isang buwang bakasyon dahil sa katatapos na Lenten Season.

“In the exercise of our oversight powers, we will direct the appropriate House Committee to conduct an inquiry, in aid of legislation, to determine the adverse impact of such agreement on our national interests, particularly our sovereignty, sovereign rights, and territorial integrity,” ani Romualdez.

Unang isiniwalat ni dating presidential spokesman Harry Roque ang gentleman’s agreement matapos kondenahin ng China ang Pilipinas dahil sa hindi anila pagtupad sa kasunduan ng dalawang bansa sa WPS partikular na sa Ayungin Shoal.

Base umano sa kasunduan, hindi magdadala ng construction materials ang Pilipinas sa BRP Sierra Madre kundi mga pagkain at tubig lamang para sa mga sundalo na nakadeploy sa nasabing barko na inamin naman ni Duterte.

Ayon kay Romualdez, hindi lamang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang lubhang nabahala sa umano’y gentleman’s agreement sa pagitan nina Duterte at Chinese President Xi Jinping kundi maging ang Kongreso.

“Like [President Marcos Jr.], we are ‘horrified’ by the idea of compromising the country’s rights over [WPS],” ayon pa sa lider ng Kamara.

Dahil dito, kailangan aniyang ituloy ang imbestigasyon na unang ipinanawagan, hindi lamang ng mga administration congressmen kundi ng mga miyembro ng minorya dahil nababahala ang mga ito na posibleng naikompromiso ng nakaraang administrasyon ang soberanya ng bansa.

Iginiit nito na pinatatag ng Permanent Court of Arbitration noong July 2016 ang karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryong inaangkin ng China sa WPS kaya kailangan itong ipagtanggol at hindi dapat ikinokompromiso.

“Our country’s territory, sovereignty, and sovereign rights may have been compromised by a deal disguised as an ‘agreement’ to maintain the peace and status quo in the [WPS),” dagdag pa ni Romualdez.

(BERNARD TAGUINOD)

74

Related posts

Leave a Comment