MISIS NI ROQUE UNANG BIKTIMA NG ‘PURGE’ SA MALAKANYANG?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

BAGAMA’T hindi pa batid kung ano ang dahilan ng pagsibak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Mylah R. Roque bilang executive ng Home Development Fund /Pag-IBIG Fund, agad umugong ang bulung-bulungan na ito ay simula na ng paglilinis sa mga itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Mylah ay asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Maging sa loob ng Malakanyang ay usap-usapan na ang pagsipa kay Roque ay bunga ng batuhan ng akusasyon ukol sa paggamit ng droga nina Pangulong Marcos Jr. at Duterte.

Nauna nang umugong ang pagkakaroon ng ‘purge’ o internal cleansing ng administrasyong Marcos sa mga itinalaga ni Duterte at maging ng una niyang Executive Secretary na si Atty. Vic Rodriguez.

Ito’y matapos kumalat ang memo na nag-aatas sa mga presidential appointee na magsumite ng requirements para sa performance review.

Tinawag na “ROD-tag” o Rodrigo at Rodriguez ang pagpuntirya sa mga sinasabing malapit o itinalaga ng dalawang dating opisyal.

Itinanggi naman ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil ang mga ispekulasyon.

Sa katunayan aniya, kasama siya sa kinakailangang magsumite ng mga dokumento.

Iginiit nito na ang kautusan ay walang halong pulitika at para sa lahat ng itinalaga sa pwesto magmula noong Duterte hanggang ngayong Marcos admin.

Ito aniya ay isang performance review para matiyak ang kanilang pananatili sa pwesto.

“This is a directive to all presidential appointees, including those appointed by President Ferdinand R. Marcos, Jr., as part of performance review and to ensure continuing qualifications to remain in office,” ani Garafil.

Sa unang bahagi ng administrasyon ni Marcos ay isa-isa ring sinibak sa pwesto ang mga taong hinihinalang konektado kay Rodriguez matapos itong magbitiw.

Itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., si Maria Lourdes D. Doria-Velarde bilang kapalit ni Roque.

Si Doria-Velarde ang magiging kinatawan ng pribadong sektor sa Pag-IBIG.

Tinuran pa ng Malakanyang, si Doria-Velarde ay dating deputy general manager for administration ng Duty Free Philippines, at miyembro ng Board of Trustees ng Nayong Pilipino Foundation at Intercontinental Broadcasting Corp.

“She is also a content creator and culinary arts expert,” ayon pa rin sa Malakanyang.

Maging sa social media ay nagpahayag ng duda ang mga netizen sa pagkaka-alis ni Roque. Marami sa kanila ang naniniwalang bahagi ito ng ‘purge’ at ito’y simula pa lamang ng mga susunod pang sibakan.

Narito ang ilan sa mga reaksyong nakalap ng SAKSI Ngayon mula sa Facebook:

“Goodluck hahahahaahaha obvious ang moves mo Baby.”

“Palitan lahat ng mga eyes and ears para walang sagabal sa mga kawatan ng gobyernong ito.”

“Nice!!!Nako, lalong mag iingay yung fake news peddler na butanding na si Harrytess🤣🤣 tinanggal yung asawa niya”

“Ito ang president na walang sariling desisyon tama si duterte bangag pa hangang ngayon”

“Tinanggal n nmn ang isang hindi kaalyado at hindi kamaganak incorporated mga dilawang appointee pasokkkk”

“Ok lng yan, gnun nmn tlga pg Presidential Appointee ka, appointed p siya during Duterte admin, normal lng Yan at alam ni atty.Harry yan.”

“Gawa naman nya ni Liza ahas ang pag tangal kay mrs . roque dahil alam….against kasi si Ex Spox Roque . 😁😁😁 bubu talagang Liza tambaloslos na ito…”

“Alam na this tanggal si MR Kasi Asawa ni HR, din enter Velarde Ang kakampi nila sana Hindi ito Isa sa mga magna….or utusan pra makapanghakot KY may Pera sa HDMF😡🤬 marami hakutin mo Ma’am ha pra pondo sa PI”

(May dagdag na ulat si CHRISTIAN DALE)

21

Related posts

Leave a Comment