CAYETANO HININGI ANG PANANAGUTAN NG DFA AT DMW

HININGI ni Senador Alan Peter Cayetano ang pananagutan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa mga akusasyon laban sa Philippine Consul General sa Milan na si Elmer Cato.

“If this was a demolition job, bakit kayo sa DFA at Migrant Workers, ‘di kayo nagsasalita para sa empleyado niyo,” giit ni Cayetano.

Binigyang-diin din ng senador, na nagsilbi bilang Foreign Affairs Secretary noong 2017-2018, ang kahalagahan ng agarang pagtugon sa isyu upang itaguyod ang integridad ng mga nasabing ahensya at higit sa lahat, ang pagprotekta sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

(Danny Bacolod)

21

Related posts

Leave a Comment