MISSING HELPER NATAGPUANG BIYAK ANG MUKHA

QUEZON – Walang buhay at biyak ang mukha nang matagpuan ang isang nawawalang binata sa Tayabas City sa lalawigan.

Ayon sa report ng Tayabas City Police, natagpuan ng isang batang lalaki ang bangkay ng biktimang si alyas “Christopher”, 26-anyos na helper, residente ng Brgy. Silangang Palale, habang nakabulagta sa gitna ng kakahuyan sa Brgy. Lawigue dakong alas-4:00 ng hapon noong Biyernes.

May malaki at malalim na sugat ito sa mukha na pinaniniwalaang hinataw ng matigas na bagay sa ulo.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, Miyerkoles pa ng gabi nang umalis sa kanilang bahay ang binata subalit hindi na ito nakauwi mula noon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung sino ang may kagagawan at kung ano ang posibleng motibo sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

25

Related posts

Leave a Comment