Mula 7% ibinaba sa 6% ECO GROWTH TARGET NG PINAS BINAWASAN

KUMAMBYO ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa economic growth target para sa taong 2024.

Sa katunayan, ginawa na lamang itong 6% hanggang 7% range, malinaw na bumaba mula sa nakalipas na target na 6.5% hanggang 7.5%.

Ito ang inanunsyo ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang matapos ang 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang DBCC, isang interagency body na binubuo ng mga hepe ng budget and management, finance, at socioeconomic planning, ay may atas na suriin mabuti at aprubahan ang macroeconomic targets, revenue projects, borrowing levels, at budget and expenditure ceilings.

Nauna rito, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto malaki ang posibilidad na tapyasan ng mga economic manager ng administrasyong Marcos ang kanilang economic growth targets para ngayong taon ng 2024 hanggang 2028.

(CHRISTIAN DALE)

37

Related posts

Leave a Comment