MWP SA RAPE SWAK SA REHAS SA BATANGAS

BATANGAS – Himas rehas ang isang regional most wanted person ng Calabarzon matapos na matimbog ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion 1, sa bayan ng Bauan, sa lalawigang ito, noong

Linggo ng umaga.

Kinilala ng naaresto na si John Mark Bisa, 23, factory worker, at residente ng Bauan, Batangas.

Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Bauan Municipal Police Station, kasama ang Regional Intelligence Unit 4A – Provincial Intelligence Team Batangas, Regional Intelligence Division 4A, at ng iba pang PNP units ng Batangas, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 1, Batangas City para sa mga kasong 5 counts ng rape at 2 counts ng statutory rape.

Ayon sa pulisya, tatlo ang naging biktima ng akusado na ginahasa umano nito sa magkakaibang panahon at pagkakataon.

Nasa kustodiya ng Bauan MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

(NILOU DEL CARMEN)

 

80

Related posts

Leave a Comment