Nagdadawit kay BBM sa ilegal na droga PDEA ‘LEAKED’ DOCUMENTS TOTOO – SEN. BATO

(DANG SAMSON-GARCIA)

NANINIWALA si Senador Ronald Bato dela Rosa na hindi fabricated o gawa-gawa lang ang sinasabing dokumento na nagsasaad ng pagkakasangkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maging ng aktres na si Maricel Soriano sa paggamit ng ilegal na droga.

May kinalaman ito sa sinasabing nag-leak na Operate and Pre-Operation Report ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Sa pagdinig sa Senado, itinanggi ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang sinasabing dokumento.

Kinontra naman ito ni dating PDEA investigating agent Jonathan Morales na naggiit na authentic ang nag-leak na dokumento.

Kasabay nito, dinipensahan ni Dela Rosa ang ikinasang pagdinig at iginiit na ginawa ito “in aid of legislation” at hindi “in aid of persecution.”

Layon lamang anya nito na makabuo ng polisiya upang maiwasan ang leakage ng classifies documents.

Binigyang-diin din ng dating PNP chief na ang pagkakasama ng isang indibidwal sa pre-operation list ng PDEA ay hindi nangangahulugan na drug user na ito dahil kailangan pa nito ng validation

85

Related posts

Leave a Comment