NO WANG-WANG POLICY NI PBBM ‘COPYCAT’ KAY PNOY

PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara ng kanyang anti-wang-wang policy kay dating Pangulong Benigno Aquino III, na nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong kanyang termino.

Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng paggamit ng wang-wang.

“It’s about really the number of [low-numbered o protocol license] plates na binawasan namin,” ayon kay Pangulong Marcos.

Inaasahan ng EO 56 na mapipigilan ang pag-aabuso at mapapahusay naman ang transparency sa pamamagitan ng pinahigpit na regulasyon sa pagpapalabas ng special plates na ibinigay sa mga opisyal ng pamahalaan.

Ipinalabas ang EO sa gitna ng tumataas na public concern sa paglaganap ng protocol plates, nagkakaloob ng special privileges sa mga sasakyan sa lansangan kabilang na ang exemption mula sa number coding scheme.

“This executive order aims to promote a more transparent and accountable system for the issuance of protocol license plates,” ang nakasaad sa kautusan sabay sabing “It ensures these privileges are used appropriately by a designated group of officials for legitimate purposes.”

“So that’s what really, that’s what it is about. So this is not about the wangwang, that’s a very small part of it. What it really is, is to impose discipline,” ang pahayag ng Pangulo.

Ipinalabas din ng Pangulo ang Administrative Order No. 18, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Marso 25.

Matatandaang, inanunsyo ng yumaong Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang presidential inaugural address noong 2010 ang polisiya laban sa paggamit ng wang-wang, sinasabing pagpapakita kasi ito ng “entitlement at the expense of ordinary Filipinos.”

(CHRISTIAN DALE)

86

Related posts

Leave a Comment