Notarial seal pinagkakitaan DATING EMPLEYADO IPINAARESTO NG ABOGADO

CAVITE – Ipinaaresto ng isang abogado ang 39-anyos na dati nitong empleyado dahil sa paggamit ng kanyang notarial seal at pinagkakitaan sa Bacoor City, noong Huwebes ng gabi.

Nahaharap sa kasong usurpation of authority, falsification of public documents, forgery at estafa ang suspek na si alyas “Josie”, 39, nadakip sa entrapment operation makaraang ipaaresto ng dati niyang amo na si alyas “Atty. Ver”, 46, isang practicing lawyer.

Ayon sa reklamo ni Atty. Ver sa pulisya, ginagamit at pinagkakakitaan umano ang kanyang notarial seal ng kanyang dating empleyado.

Bunsod nito, nagkasa ng entrapment operation ang Bacoor Component City Police Station dakong alas-6:30 ng gabi sa Joseph Village, Brgy. Niog, Bacoor City na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nabawi ang notarial seal ng nasabing abogado.

(SIGFRED ADSUARA)

33

Related posts

Leave a Comment