PAGKAMATAY NG AKUSADO SA LAPID SLAY BINEBERIPIKA

IPINABEBERIPIKA ng Department of Justice (DOJ) ang kumakalat na pagkamatay umano ng isa sa mga akusado sa pamamaslang sa mamamahayag na Percy Lapid.

“We are still looking into the veracity of these reports and will update the public as soon as we receive word from the NBI,” ayon kay DOJ Sec. Jesus Remulla kaugnay ng kumakalat na death certificate umano ni ex-BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.

Si Zulueta ay kapwa akusado ni dating BuCor Chief Gerald Bantag sa pamamaslang kay Lapid o Percival Mabasa.

Sinasabing nasawi si Zulueta dahil sa heart failure at ang bangkay umano nito ay nasa Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan.

Samantala, naudlot matapos ipagpaliban ng Las Piñas RTC ang pagdinig sa kaso laban kay Bantag.

Ayon kay Mr. Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid, hindi tuloy ang pagdinig ng korte ngayong Lunes dahil sa kahilingan ng prosekusyon.

Marso ng nakaraang taon nang sinampahan ng piskalya sina Bantag at Zulueta ng dalawang bilang ng kasong murder dahil sa umano’y pagpatay kay Lapid at sa sinasabing middleman na si Jun Villamor.

Nakakita rin ng sapat na basehan para kasuhan ang self-confessed gunman na sina Joel Escorial, Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan at isang Orlando bilang principals by direct participation.

Si Lapid ay pinagbabaril ng dalawang suspek sa Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022.

(JULIET PACOT)

24

Related posts

Leave a Comment