3 ‘KAWATAN’ NG KABLE ITINUMBA SA BULACAN

Camp Gen. Alejo S. Santos, MALOLOS CITY – Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang San Ildefonso Police sa tatlong lalaking pinagbabaril at natagpuang walang buhay sa loob ng isang tricycle sa Barangay Basuit, San Ildefonso, Bulacan nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa report na ipinadala kay PCol. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), itinawag ng Barangay Basuit sa San Ildefonso Police Station ang tatlong lalaki na hinihinalang magnanakaw at biktima ng ‘salvage’.

Agad nagtungo ang mga awtoridad sa itinurong lugar ng krimen at nadatnan ang tatlong hindi pa kilalang mga biktima na may mga tama ng bala sa katawan. May nakita ring rolyo ng electrical wires sa sinasakyan nilang tricycle.

(ELOISA SILVERIO)

 

44

Related posts

Leave a Comment