PAGKONDENA NG SENADO SA AKSYON NG CHINA UMUSAD

NAGHAIN na ng resolution si Senate Majority Leader Joel Villanueva para sa pagbuo ng sense of the Senate kaugnay sa pagkondena sa patuloy na harassment lalo na ang ilegal at mapanganib na aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Sa kanyang Senate Resolution 980, isinusulong ni Villanueva na magkaroon ng iisang boses ang Senado upang suportahan ang executive branch sa pagsusulong ng mga legal at diplomatikong aksyon sa pakikipaglaban para sa ating soberanya.

Layon din ng resolution na i-update ang inaprubahang sense of the Senate noong August 1, 2023 na kumokondena sa harassment ng China.

Binanggit ng senador sa kanyang resolution ang pagsuporta sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos sa national government agencies na magpatupad ng countermeasure package kasunod ng mga insidente ng harassment na ginawa ng China Coast Guard at Militiamen.

Pinakahuli ay ang water cannon attack sa resupply mission na ikinasugat ng ilang tauhan ng Philippine Navy.

(DANG SAMSON-GARCIA)

27

Related posts

Leave a Comment