KOREAN AMBA, IBA PANG EMBASSY OFFICIALS BUMISITA SA SC

NAG-COURTESY call kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo si Korean Ambassador-Designate to the Philippines His Excellency Lee Sang-hwa para sa kolaborasyon ng Pilipinas at South Korea.

Pangunahing tinalakay sa pagbisita ng South Korean envoy ang potensyal na pagtutulungan ng dalawang bansa sa Asya, gayundin ang mahalagang paggamit ng teknolohiya sa hudikatura para makatuon sa pagbuo ng kapasidad ng cybersecurity at ang pagpapalitan ng mga pinakamahusay na kasanayan sa pamamahala ng sistema ng korte.

Ang dayalogo ay patunay sa matibay na pangako ng Philippine Judiciary na gamitin ang teknolohiya para sa pagsulong ng mga prosesong panghukuman sa bansa.

Kasama ni Ambassador Lee sina Secretary and Vice Consul of the Police Section Mr. Kim Myung Hun, Secretary ng Economic Section, Ms.Lee Jeoung Bin at Legal Advisor and Senior Researcher Atty. Ricardo Pamintuan mula sa Korean Embassy sa Pilipinas.

(JULIET PACOT)

25

Related posts

Leave a Comment