PINAGHAHANAP ng Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang Philippine Air Force (PAF), ang apat na mangingisda na iniulat na nawawala habang sakay ng motorbanca sa karagatan ng Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan.
Ayon sa PCG, nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa “Pepito 3” motorbanca na nagsagawa ng fishing venture at hindi na nakabalik pa.
Nagpatulong naman ang PCG sa PAF upang mabilis ang paghahanap sa nawawalang mga mangingisda .
Nagpadala ito ng air assets upang tumulong sa search and rescue (SAR) operations.
Umaasa naman ang pamilya ng mga mangingisda na sumilong lamang ang mga ito sa ligtas na lugar dahil sa posibleng sama ng panahon.
(JOCELYN DOMENDEN)
152