Pulis inalok na bumatak 3 TIKLO SA P.3-M DROGA, BOGA

ARESTADO ang tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu at baril matapos aluking bumatak ang isang parak sa Caloocan City.

Ibinalibag sa selda sina Raymond Arcilla, 31; Glenn Dupang, 33, at Ramil Montes, 53, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Bandang alas-9:30 ng gabi noong Lunes, nagsagawa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa 3rd Avenue, Brgy. 118, kung saan isang undercover cop ang nakaiskor sa mga suspek ng P7,500 halaga ng shabu at inaya pa umano itong bumatak.

Nang kunin mula sa poseur buyer ng mga suspek ang marked money kapalit ng shabu, ay dinamba ang mga ito at nakumpiska ang 36 gramo ng ilegal na droga na P238,000 ang halaga,  buy-bust money at isang caliber .38 revolver na kargado ng dalawang bala. (ALAIN AJERO)

5

Related posts

Leave a Comment