NAHULOG sa bitag ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District – Malate Police Station, ang isang 23-anyos na binata sa ikinasang buy-bust operation sa Malate, Manila nitong Martes ng madaling araw.
Umabot sa P510,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska mula sa suspek na si alyas “Raffy”, jobless, residente ng Barangay 66, Pasay City.
Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng MPD-Malate Police Station, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Ito ay makaraang inguso ng isang impormante ang umano’y talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lugar.
Nakumpiska sa suspek ang 75 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P510,000 ang halaga.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug of 2002. (RENE CRISOSTOMO)
