RECRUITMENT NG CHINA SA AFP, PNP PINASISILIP

PINAIIMBESTIGAHAN sa House committee on national defense ang umano’y recruitment operation ng China sa mga aktibo at retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa House Resolution (HR) 1682 na inakda ng Makabayan bloc sa Kamara, hindi maitago ang pagkabahala ng mga ito sa lumutang na operasyon ng China sa gitna ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Unang natuklasan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na may Chinese company na nagpapanggap na nakabase sa United States (US) o kaya sa Europe na nagrerecruit ng mga aktibo at retiradong military at pulis para sa part-time job bilang online analyst.

Kinumpirma naman ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na inalis na sa website ang mga kumpanyang nagre-recruit matapos itong mabuko ng DICT subalit nakapag-screenshot umano ang AFP.

Sinabi ni Padilla na walang aktibong AFP personnel ang narecruit subalit mababasa sa comment section ang mga retirado na umano serbisyo. Sa kabila nito, sinabi ni Castro na kailangan pa rin itong imbestigahan dahil maaaring may nailabas na mga importanteng impormasyon na maglalagay sa bansa sa alanganing sitwasyon.

“There seems to be a serious problem with the AFP itself, the mere fact that its members, whether active or retired, are being attracted and/or recruited by these foreign-based firms claiming to be affiliated with the foreign military,” ayon sa resolusyon.

Noong November 2023, may natuklasan umanong Chinese sleeper cells na standby forces ng China para sa “infiltration and intervention’ sa Pilipinas.

(BERNARD TAGUINOD)

45

Related posts

Leave a Comment