DFA, PSA, LTO IGIGISA SA PAKIKIPAGSABWATAN SA CHINESE MAFIA

PINAGDUDUDAHAN ng isang mambabatas sa Kamara ang pananahimik ng mga ahensyang nagbigay ng dokumento sa Chinese nationals para makapasok sa bansa.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, kailangang alamin kung sino ang mga kasabwat ng mga Chinese sa Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Foreign Affairs (DFA) at Land Transportation Office (LTO) kaya nakakuha ang mga ito ng birth certificate, Philippine passport at Driver’s License.

“The question is: What have these government agencies done to counter the tampering of their respective offices’ documents? They are all eerily quiet on this issue. Are some of the officials of said agencies in cahoots or enabled by the Chinese mafia?” tanong ng mambabatas.

Nagdududa si Barbers dahil matagal na ang usaping ito subalit nakabibingi aniya ang katahimikan ng mga nabanggit na ahensya.

EDCA sites, Airport
Napaligiran ng Chinese

Kasabay nito, nababahala si Barbers sa pagdami ng mga Chinese na nakatira sa paligid o malapit sa Enhanced Development Cooperation Agreement (EDCA) site, airport at seaport sa bansa.

Inihalimbawa nito ang pagdami ng mga warehouse na pag-aari ng mga Chinese sa Central Luzon partikular na sa Pampanga at Bulacan, Bataan, Zambales, Nueva Ecija at Tarlac at ngayon ay parang kabuteng sumulpot din ang mga ito sa Cagayan kung saan may dalawang EDCA sites.

“Ang deployment at pagbibili ng lupa, pagtatayo ng negosyo ng mga Chinese nationals na malapit sa EDCA sites ay dapat bigyan tuon ng mga concerned agencies sa ating bansa. Hindi ba tayo dapat mag-usisa at alamin bakit sila nandyan at kung ano talaga ang ginagawa nila dyan,” giit ng mambabatas.

Sa Pampanga matatagpuan ang Diosdado Macapagal International Airport habang tinatayo na ang bagong paliparan sa Bulacan. Nasa Cagayan naman ang Camilo Osias Naval Base at Lal-Lo Airport.

Maging sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay marami na umano ang Chinese national partikular na sa Multinational Village sa Parañaque City na kamakailan ay inireklamo ng mga residente dahil maiingay ang mga ito at nagsasagawa ng military exercise kada umaga.

“Are they Chinese spies or soldiers already present in the country, all hiding in plain sight?” tanong pa ni Barbers.

Plano rin nitong alamin sa Bureau of Immigration (BI) kung ilang Chinese ang nasa bansa at kung saan-saan nakadeploy ang mga ito.

(BERNARD TAGUINOD)

46

Related posts

Leave a Comment