RESTRIKSYON SA MGA BAKUNADO PINALULUWAGAN NG MGA ALKALDE

HINILING ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na luwagan ang mga restriksyon para sa mga bakunado o ‘fully-vaccinated’ na indibidwal para mabuhay nang muli ang aktibidad sa ekonomiya sa rehiyon.

Ayon kay MMC at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ang pagpapaluwag sa pagkilos ng mga bakunado ay maaari rin maging panghikayat sa iba pang populasyon na tuluyan nang magpabakuna.

“Habang ikinukonsidera na epicenter ng pandemya ang NCR at siya ring may pinakamaraming bilang ng bakunado, malaki ang kumpiyansa namin na mahahanap ang tamang balanse sa pagtiyak sa kalusugan ng publiko at pagbuhay sa ekonomiya,” ayon kay Abalos.

Umaabot na sa 5,492,344 indibidwal o 56% ng kuwalipikadong populasyon ang nakakumpleto ng bakuna habang nasa 8,262,344 ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.

“Administering first dose of the vaccine is crucial, but approximately a month from now, since most of the COVID-19 shots have a three to four-week interval from the first shot, those who got their first jabs will eventually complete their vaccination,” dagdag pa ni Abalos.

Sa Oktubre 8, inaasahan na aakyat na sa 77,57% o 7,601,685 ang bakunado sa kalakhang Maynila habang sa susunod na tatlong buwan ay inaasahan na tataas pa ito sa 87% ng kuwalipikadong populasyon dahil sa mababakunahan na ng ikalawang dose ang naka-iskedyul para sa AstraZeneca vaccine. (RENE CRISOSTOMO)

143

Related posts

Leave a Comment