RODRIGUEZ NAMAHAGI NG BIGAS AT FERTILIZERS SA BUKIDNON

PINANGUNAHAN ng kinatawan ng A Teacher Party-list na si Virginia Rodriguez ang pamimigay ng libreng bigas at organic na fertilizers sa daan-daang magsasaka mula sa Valencia City, Bukidnon para lalong lumago ang produksyon ng kanilang ani sa probinsya.

Si Rodriguez, na sinamahan ni Valencia City Mayor Azucena Huervas, ay nagsabi na ang pinamigay na organic fertilizers, na may kasama pang libro niya na may pamagat na “Leave Nobody Hungry”, ay makatutulong sa pagbibigay dagdag kaalaman sa magsasaka upang magkaroon ng sustainable agricultural practices at malaman ang makabagong teknolohiyang ginagamit sa pagtatanim para dumami pa kanilang aanihin na palay.

Sa ginawang “Meet and Greet” na programa, na may tema na “Paglilingkod na May Dangal at Puso para sa Sambayanang Pilipino”, sinabi ni Rodriguez sa mga benepisyaryo at iba pang dumalo na ang kanyang adbokasiya ay palakasin ang mga lokal na magsasaka, at magkaroon ng magandang buhay.

Si Rodriguez na isang pilantropo ay ikatlong nominee ng A Teacher Partylist No. 137 ay nagsabi na ang pagkakaroon ng food security ay maaaring makamit kung ang mga taong may interes, na nagmumula sa iba’t ibang sektor, ay magtutulong-tulong para makamit ang pag-unlad.

Naniniwala rin si Rodriguez na hindi lang ang Department of Agriculture, pati ang iba pang mga ahensya, ang tutulong para masiguro na ang mga magsasaka ay makakakuha ng lahat ng suporta na kailangan nila para mapaganda pa ang kanilang produkto at kikitain mula dito.

Aniya, ang pamimigay ng organic fertilizers ay isa ring paraan para mapalawak ang mga lugar ng produksyon, na magpapadami ng ani ng mga magsasaka.

Maaaring i-follow si Rodriguez sa kanyang FB page na Queen Vi Rodriguez para sa ibang pang aktibidad ng A Teacher Partylist.

5

Related posts

Leave a Comment