SANDRO MARCOS KONGRESISTA NA

HIGIT pa sa panalo sa halalang pampanguluhan, higit na pagbubunyi ang dama ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasunod ng proklamasyon ng anak niyang si Sandro bilang kongresistang kakatawan sa Unang Distrito ng Ilocos Norte.

Tinalo ng batang Marcos ang nakaupong kongresistang si Ria Fariñas na anak ng isang beteranong politiko sa naturang lalawigan.

Sa isang pahayag, lubos naman ang pasalamat ng 27-anyos na anak ng uupong Pangulo sa Hunyo.

“Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga ‘kakailian’. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses na may Marcos na tumakbo sa unang distrito.”

Higit na kilalang balwarte ng mga Fariñas ang unang distrito ng Ilocos Norte. Sa loob ng mahabang panahon, pinagharian ni dating congressman Rudy Fariñas (ama ng tinalo ni Sandro) ang naturang distrito.

Sa datos ng Commission in Elections (Comelec), nakakuha ng 108,423 boto ang batang Marcos habang 83,034 boto lang ang para sa batang Fariñas.

Ayon kay Congressman-Elect Sandro Marcos, sesentro ang kanyang legislative agenda sa mga batas na magsusulong sa sektor ng agrikultura, paglikha ng mas maraming hanapbuhay at technological improvement sa nasasakupang distrito.

502

Related posts

Leave a Comment