KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na palakasin ang pagtutulungan sa hanay ng kanilang coast guards at pigilan ang hindi inaasahang mga pangyayari sa South China Sea (SCS).
Kasalukuyang nasa Vietnam si Pangulong Marcos para sa kanyang two-day state visit.
Ang Pilipinas at Vietnam ay nag-aagawan sa ilang bahagi ng SCS.
Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang Malakanyang sa nasabing kasunduan sa Hanoi.
Sa kabilang dako, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na tinintahan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding on Incident Prevention and Management in the South China Sea at Memorandum on Maritime Cooperation.
Tinuran ng PCO na sa ilalim ng kasunduan hinggil sa ‘incident prevention’ ang dalawang bansa ay nagkasundo na palakasin ang pagtutulungan kaugnay sa ‘maritime issues bilaterally’ sa loob ng ASEAN at sa iba pang dialogue partners.
Kapwa naman nangako ang magkabilang panig na paiigtingin ang pagsisikap na i-promote ang “trust, confidence, at understanding” sa pamamagitan ng dayalogo at cooperative activities.
Samantala, sa bilateral meeting ni Pangulong Marcos kasama si Vietnamese President Vo Van Thuong, binigyang diin ng una na ang Vietnam ay nananatiling nag-iisang strategic partner ng Pilipinas sa ASEAN region.
(CHRISTIAN DALE)
216