SEARCH OPS SA MISSING AIRCRAFT PATULOY

BINUO ng Incident Command System (ICS) ng pamahalaan ang isang Search and Rescue (SAR) unit para makatulong sa paghahanap sa nawawalang RP-C1234 aircraft na pag-aari ng Fliteline Airways na ino-operate ng Cyclone Airways.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng CAAP Operations Center (OpCen), Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) at ng Philippine Air Force Tactical Operations Group 2 (TOG2) Headquarters sa Cauayan City, Isabela.

Ang naturang rescue operation ay pinangunahan ni Col. Glenn Piquero, at siya ring may hawak ng last recorded position ng RP-C1234 base sa Flight Radar 24 footage mula sa CAAP PARCC.

Nakikipagtulungan din ang Palanan Philippine National Police (PNP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Isabela.

Bukod sa 32 PNP personnel, kasama rin sa rescue operation ang mga kawani ng Barangay Casala, San Mariano, na siyang gumagabay sa posibleng kinaroroonan ng RP-C1234.

(FROILAN MORALLOS)

90

Related posts

Leave a Comment