SUB-LEADER NG TERROR GROUP, 4 PA PATAY SA SAGUPAAN

DEAD on the spot ang isang Daulah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) sub-leader at apat na mga tauhan nito matapos ang sunod-sunod na sagupaan nang matunton ng mga tauhan ni Maj. General Gabriel Viray ng AFP Ist Infantry Tabak Division, nitong Lunes sa Lanao del Norte.

Ayon kay Maj. Gen Viray, habang nagsasagawa ng decisive military operations ang tropa ng 103rd Infantry Brigade, nasabat nila ang 12 kasapi ng DI-MG na nasa pamumuno ni Nasser Daud, a.k.a. “Mahater/Ustads Nasser/Mas’Od”, sa Barangay Cadayonan, Munai, Lanao del Norte.

Ang serye ng habulan at sagupaan ay nagresulta sa pagkamatay ng limang DI-MG personalities na kinilalang sina Najeb Laguindab, a.k.a. “Abu Jihad/Abu Yad”, sub-leader ng grupo; Johaiver Dumar, a.k.a. “Juhayber/Julaibib”; Salman Dimapinto Nasrudin, a.k.a. “Shuay’b”; Mohaimen Hadji Ali, a.k.a. “Ibn Sali”, isa sa lookouts sa isinagawang December 3, 2023 MSU gymnasium bombing; at isang alyas “Muslima/Payko”. Nabawi rin ng tropa ng Philippine Army ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, at iba’t ibang war materials.

Ayon kay Maj. Gen. Gabriel Viray III, commander ng Joint Task Force ZamPeLan, may lima silang mga tauhan na nasugatan sa labanan na kinailangang ilabas sa encounter area at itakbo sa pagamutan.

Pinapurihan naman ni Lt. Gen. William Gonzales, commander ng AFP Western Mindanao Command, ang tropa ng JTF ZamPeLan sa magandang accomplishment.

“I commend our soldiers for their untiring dedication to their duties as we expedite the neutralization of the remnants of the terror groups in our area of operation,” ani Lt. Gen. Gonzales.

“Rest assured that with the support of the local government units and the communities, we will soon achieve our goal of putting the sickening problem of terrorism to an end,” dagdag pa ni Lt. Gen. Gonzales.

Samantala, sa walong tinutugis na responsable sa madugong MSU gymnasium bombing, pito na ang naneyutralisa ng military at tanging si Nasser Daud, a.k.a. “Mahater/Ustads Nasser/Mas’Od” ang nanatiling tinutugis.

(JESSE KABEL RUIZ)

45

Related posts

Leave a Comment