SUPORTA KAY MARCOS PATULOY SA PAGNIPIS

PATULOY na nababawasan ang suporta ng mamamayan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., patunay rito ang latest result ng PAHAYAG 2023 Third Quarter survey na nagpakita ng kapansin-pansing pagbabago sa political landscape sa Pilipinas.

Sa nasabing survey ay nakita ang pagbaba sa proporsyon ng Pro-Administration sentiment, habang ang Anti-Administration sentiments ay mapapansin ang pagtaas. Gayunman, ang pagbabagong ito ay masasabing hindi nagkaroon ng observable impact sa posibleng paglipat ng suporta patungo sa oposisyon.

Ang Pro-Administration support ay nabawasan at nakaranas ng kapansin-panging pagbaba. Espesipikong nakita rito ang pagbaba ng proporsyon ng respondent na nagpahayag ng Pro-Administration sentiments nang mula sa 48% sa Q2 patungo sa 43% sa Q3.

Ang pagbabang ito ay nagpakita ng pagliit ng bilang ng mga indibidwal na nakalinya sa kasalukuyang administrasyon gayundin sa kanilang mga prayoridad kumpara sa nakaraang quarter.

Taliwas sa nabawasang ng Pro-Administration support, nakita rin sa survey ang kapansin-pansing pagtaas sa Anti-Administration sentiments. Ang sintemyentong ito ay lumaki mula 18% sa first quarter ng 2023 patungo sa third quarter ng 2023.

Sa pagbabagong ito ay makikita ang malaking bilang ng mga respondent na nagpahayag ng kanilang oposisyon o hindi pagiging kuntento sa liderato ng kasalukuyang administrasyon.

Ang consistent na paglaki ng Anti-Administration sentiment kada quarter ay nagpapahayag ng patuloy na trend ng pagtaas ng hindi pagiging kuntento ng mamamayan.

Sa kabilang dako, Ang Filipino voters ay nanatiling neutral sa kanilang political leaning sa Opposition (Liberal Party) sa 45%. Ang Pro-opposition support ay nanatiling matatag sa 20%, bahagyang tumaas mula 18% sa nakaraang quarter. Bagama’t ang anti-opposition support ay nasa 33%, bahagyang mas mababa kaysa 35% sa nakaraang quarter.

Ang mga rehiyon sa Pilipinas ay nagpapakita ng iba-ibang political political sentiments sa Marcos Administration. Sa National Capital Region (NCR), mayroong malaking pagbaba sa pro-administration support (from 47% to 35%) at pagtaas sa anti-administration sentiment (from 17% to 30%) sa nakaraang quarter.

Gayundin sa Southern Luzon (SL) na may nakitang pagbaba sa pro-administration support (from 41% to 36%). Gayunman, ang Mindanao (MIN) ay nanatiling stronghold ng pro-administration support, sa 56% ng respondents na nagpahayag ng kanilang katapatan sa administrasyon.

May bahagi ng mga respondent ang nagpakita ng hindi pagiging kuntento sa kanilang pananaw sa politika hinggil sa administrasyon, ngunit nagpakita ng ‘reservations’ sa kanilang pag-align sa opposition party.

Ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga indibidwal na nag-adopt ng “wait-and-see” approach, maingat na inaabangan ang ‘improvements’ mula sa kasalukuyang administrasyon habang iniiwasan ang ‘full commitment’ sa oposisyon hanggang sa makakita ang konkretong pagbabago.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

201

Related posts

Leave a Comment