Tagtuyot ramdam na ng magsasaka BILYONG PONDO NG NIA NASAAN?

PINALALANTAD ng grupo ng mga magsasaka kung saan at kanino napupunta ang pondo ng National Irrigation Administration (NIA).

Kasabay nito, binatikos din nila ang tila kawalan ng pakialam ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa epekto ng El Niño kaya lalong nanganganib ang food security ng bansa.

“Amid huge budget alloted to NIA and climate change resiliency, this government failed it’s mandate and remained neglecting poor farmers in the country amid the worsening effect of El Niño,” ani Amihan secretary general Cathy Estavillo.

Taon-taon aniya multi-billion ang irrigation funds sa buong bansa subalit 65% pa lamang sa mga sakahan ang may irigasyon at sa katunayan aniya, ang Central Luzon na tinaguriang food basket ay 73% pa lamang ang may tubig kung saan 66% ay mga palayan.

Mas pinaprayoridad umano ng mga dam ang power generations na pinagkakakitaan nang husto ng mga negosyante imbes ang mga sakahan kaya apektado ang food security and self-sufficiency partikular na ang rice production.

“Malaki ang epekto ng El Niño sa kabuhayan ng mga magsasaka sa palayan. Sa karanasan, bumaba o walang aning palay sa panahon ng tagtuyot dahil sa napakataas ng gastos sa pagsasaka.

Dahil wala o limitado ang irigasyon, mapipilitan aniyang mangutang at gumastos para sa maraming litro ng gasolina para makaani na nagpapataas sa farm inputs ng mga pobreng magsasaka.

“During extreme drought, when small rivers, deep wells, and other sources of irrigation have dried up, farmers were left with nothing because they were never reached by irrigation development,” dagdag pa ni Estavillo.

Dahil dito, dapat magkaisa aniya ang magsasaka para labanan ang kapabayaan ng gobyerno sa pagharap sa El Niño sa kabila ng bilyon-bilyong pondo ng NIA na hindi nila pinakikinabangan.

(BERNARD TAGUINOD)

31

Related posts

Leave a Comment