INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 41-anyos na dalaga dahil sa kalakaran ng ilegal na droga, nang matunton ito sa Marilao, Bulacan noong Lunes ng hapon.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jonalyn Pamintuan”, nanunuluyan sa Marilao, Bulacan.
Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, bandang alas-4:00 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Marilao, Bulacan.
Hindi nakapalag ang suspek nang isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Juliet Azarra – Chanyongco, ng Regional Trial Court Branch 49 ng Manila, na may petsang Hulyo 1, 2022, dahil sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(RENE CRISOSTOMO)
127