WFH IBALIK HABANG NANANALASA EL NIÑO

IMINUNGKAHI ng isang kongresista na ibalik ang work from home (WFH), hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa pribadong sektor habang nararanasan ang heat wave na dala ng El Niño phenomenon.

Ayon kay National Unity Party (NUP) president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, patuloy na mararanasan ang matinding init ng panahon hanggang sa buwan ng Mayo kaya dapat proteksyunan ang mga manggagawa.

“With daytime temperatures feared by PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) to get even hotter in the weeks ahead, possibly reaching what climatologists called the ‘extremely dangerous’ index of 52 degrees Celsius or higher, the heads of both government and private offices need to consider returning the WFH arrangements, whenever and wherever feasible, to protect our workers against the unprecedented heat wave made worse by El Niño,” ayon sa mambabatas.

Unang ipinatupad ang WFH noong noong Hunyo 6, 2022, panahon ng pandemya, sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 6 ng Civil Service Commission sa hanay ng mga manggagawa sa gobyerno upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Bukod dito, umiiral ang Republic Act (RA) 11165 o Telecommunication Act of 2018 kung saan pinapayagan ang gobyerno at maging ang mga pribadong employer na magkaroon ng WFH arrangement gamit ang telecommunication technologies.

Nais ng mambabatas na ibalik ang sistemang ito lalo na sa mga manggagawa na wala sa frontline ngayong patindi nang patindi ang init ng panahon upang maprotektahan ang mga ito sa iba’t ibang sakit tulad ng heat stroke.

Hindi lamang aniya sa Metro Manila dapat ipatupad ang WFH kundi sa buong bansa.

(BERNARD TAGUINOD)

51

Related posts

Leave a Comment