BAN SA SINGLE-USE PLASTIC IUUTOS NA NG DENR

PLASTIC BAG

MAGPAPALABAS ng kautusan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pag-ban sa single-use plastic sa bansa.

Sa isang forum sa Taguig City nitong Huwebes, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na sa loob ng dalawang linggo ay ilalabas niya ang kautusan. Kasama rin ang pagre-recyle sa plastic sa ipag-uutos ang pagrecycle ng plastic.

“We [DENR] are about to complete department order on [banning] use of plastic. I think within the next two weeks siguro [probably],” ani Cimatu.

Ang kautusan ng DENR ay kasunod ng pagiging pangatlo ng bansa sa mga malaking bahagi ng pagtatapon ng mga plastic sa karagatan.

Nasa 2.7 milyong metriko tonelada ng plastic waste kada taon umano ang naitatapon ng Pilipinas sa karagatan.

Dahil dito, sinabi ni Cimatu na kailangan nang ayusin ang mga polisiya ng Pilipinas ukol sa solid waste management.

Una nang iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa single-use plastics sa bansa dahil sa climate change.

354

Related posts

Leave a Comment