ISANG pagpupugay ng mga kababayan nating Pilipino maging ng mga dayuhan na humanga sa galing na ipinakita ng Banda El Gobernador na siyang napili ng lokal na pamahalaan ng Bacoor Cavite upang magtanghal sa Madison Ave. New York City noong nakaraang June 1 sa ginanap na 127th Philippine Independence Anniversary. Karangalan hindi lamang sa mga taga Bacoor kundi maging sa bitbit nilang bandila ng bansang Pilipinas na iwinagayway sa mataong lugar ng America at sa kanilang pag-uwi sa bansa ay dala ang isang ngiti at saya na taas noong ibinahagi ang talento ng Pilipino. Pinangunahan ito ng kanilang pinuno at bihasa na pagdating sa musika na si Maestro Jesse San Miguel kasama ang miyembro ng kanyang banda at magagandang majorette’s isa na rito ang kanilang frontliner na si Jeryne Ramos.
Isa sa ipinagmamalaki ng Banda El Gobernador bilang dito din nagsimula bilang majorette ang sikat na Youtuber, Vlogger at content creator na si Zeinab Harake. Ang Banda El Gobernador ay halos apat na dekada nang nagbibigay ng musika sa iba’t ibang parte ng bansa. (RUDY SIM)
