HINIKAYAT ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang mga biktima ng bank hacking na magreklamo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapag hindi agad naibalik ang perang ninakaw ng hackers sa kanilang deposit accounts.
“The BSP has an administrative mechanism in place to provide remedy to aggrieved depositors who feel that they’ve been treated unfairly by their banks,” ayon sa mambabatas.
Ginawa ni Defensor ang pahayag ng kasunod ng “blanket liability disclaimer” ng mga banko tulad ng Banco de Oro (BDO) na kamakailan lang ay napasok ng hackers ang kanilang computer system at ninakaw ang deposito ng kanilang mga kliyente.
Base sa disclaimer umano ng BDO, wala silang pananagutan kapag nawalan ng pera ang kanilang depositors dahil sa hacking at iba pang ilegal na aktibidad.
“That cannot be enforced when depositors lose money under conditions where they are not at fault,” ani Defensor.
“If you are a blameless depositor and you lose money because the bank’s computer system got hacked, and illegal transfers were made out of your account, then the bank has no choice but to reimburse your losses,” dagdag pa ng solon.
Hindi umano ubra ang ang inilagay na terms and condition ng mga banko sa kanilang pinirmahang kontra sa banko dahil walang kasalanan ang depositors kung napasok ng hackers ang computer system ng mga ito.
Dahil dito, kailangang maghain umano ng reklamo ang mga biktima sa BSP lalo na kung hindi agad naibabalik ang perang ninakaw ng hackers sa kanilang deposit accounts.
Ipinaliwanag ng mambabatas na tungkulin ng mga banko na proteksyunan ang pera ng kanilang depositors dahil ang mga ito ang bumubuhay sa kanila at hindi dapat maghugas-kamay ang mga ito.
“Certain provisions of bank adhesion contracts, such as sweeping liability denials, may be voided or disregarded by regulators and the courts, if it is found that innocent depositors lost money because of security breaches in the bank’s computer system,” dagdag pa ni Defensor. (BERNARD TAGUINOD)
186 