BARBERSHOPS, SALON BALIK-OPERASYON

PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force ang mga barbershop at salon na magbalik-operasyon matapos ipagpatuloy ng pamahalaan ang dahan-dahan na pagpapaluwag sa restriksyon para muling makapagsimula ang ekonomiya.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga establisimyentong ito ay maaari nang mag-alok ng lahat ng haircutting at hair treatment services sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Sa kabilang dako, ang mga serbisyo naman na available sa mga lugar sa ilalim ng areas under modified general community quarantine (MGCQ) ay ang lahat ng haircutting services, hair treatment services, nail care services, basic facial care (make-up, eyebrow threading, eyelash extension at facial massage), basic personal care services (waxing, threading, shaving, foot spa at hand spa) ang mga serbisyong pinayagan na ng COVID-19 task force.

Simula sa Hulyo 16, ang mga barbershop at salon ay maaaring mag-operate ng hanggang 50% at 75% naman ang venue capacity sa GCQ at MGCQ areas.

Ang mga establisimyentong ito, ayon kay Sec. Roque ay kailangan lamang sumunod sa health protocols gaya ng hand sanitation, physical distancing, sterilized equipment at pagsusuot ng face mask. (CHRISTIAN DALE)

308

Related posts

Leave a Comment