BARKO NAWAWALA SA BRUNEI, 7 PINOY TRIPULANTE MISSING

(NI ROSE PULGAR)

MINOMONITOR ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Brunei, ang pagkawala ng isang Brunei-flagged fishing vessel, Radims 2 na iniulat na lumubog sa baybayin ng Brunei.

Sa ulat ng DFA, 11 crew ang nakasakay dito at kabilang ang pitong Pilipino.

Sinabi ni Ambassador to Brunei Christopher Montero, nakikipag ugnayan na ang Embahada sa Brunei authorities para sa ulat sa isinagawang joint search and rescue operations ng Brunei at Malaysia.

Itinigil ang search and rescue operations kahapon dahil walang crew member sa identified search area, maliban sa dalawang nauna nang nailigtas, ang natagpuan.

Ayon sa Philippine Overseas Labor Office ng Embahada, ang huling komunikasyon at nagkausap ang may-ari ng Radims 2 at kapitan ay noong Agosto 7.

Mula noon, ang National Search and Rescue Coordination Committee ng Brunei, ay humingi ng tulong mula sa Malaysian Maritime Enforcement Agency sa paghahanap sa mga nawawalang crew members.

Sinabi pa ng DFA, limang araw  nang nawawala ang nasabing vessel at ito ay patuloy na pinaghahanap ng Brunei authorities.

223

Related posts

Leave a Comment