BARZAGA SINAMPAHAN NG IKATLONG CYBER LIBEL

NAGHAIN ng reklamong cyber libel si 2nd District Representative Rolando Valeriano, kasama ang kanyang abogado, sa Office of the City Prosecutor laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay ng umano’y mapanirang pahayag nito sa social media.

Tinanggap ang reklamo ni Senior Assistant City Prosecutor Cesar Ramon Margaret.

Ang kaso ay kaugnay ng paratang ni Barzaga na umano’y binayaran ng National Unity Party (NUP) ang ilang mambabatas ng negosyanteng Enrique Razon upang suportahan si Cong. Martin Romualdez bilang House Speaker.

Sa panayam ng Manila City Hall Press Club, iginiit ni Valeriano na walang naging kalaban si Romualdez sa speakership race.

Aniya, 40 lamang ang miyembro ng NUP at kahit pa bumoto sila laban kay Romualdez ay mananalo pa rin ito bilang House Speaker.

“These accusations are especially harmful at a time when we are still rebuilding public trust,” pahayag ni Valeriano.

Dagdag pa ng mambabatas, tila nakakalimot na si Cong. Barzaga sa kanyang responsibilidad bilang miyembro ng House of Representatives dahil sa mga ibinibintang nito.

Ito na ang ikatlong cyber libel complaint na kinakaharap ni Barzaga. Nauna na itong inireklamo ng negosyanteng si Enrique Razon at House Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno.

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Valeriano kay Barzaga: “Magpakabait na siya.”

(JOCELYN DOMENDEN)

45

Related posts

Leave a Comment