BASILAN, DAVAO O. LUMAPIT SA TITLE DUEL

UMATAKE ang Basilan sa final quarter para talunin ang Bacoor, 77-63, habang tinalo ng Davao Occidental ang Zamboanga, 47-28, Lunes ng gabi sa RMC Petro Gazz Arena sa Davao City at tuluyang lumapit sa title duel ng South Division ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season.

Hinayaan ng third-ranked Basilan Steel na dumikit ang second-ranked Bacoor Strikers, 54-53, bago kumamada si Allyan Bulanadi ng triple tungo sa 18-2 salvo na nagbigay sa Steel ng 17-point lead, 3:55 sa laro.

Ayon kay Basilan coach Jerson Cabiltes, pinag-aralan nilang mabuti ang Strikers.

“I just told the boys to stay composed and to continue what we’re doing right which is to put pressure on the ball,” lahad ni Cabiltes.

Sinundan ito ng isa pang tres ni Jay Collado na tuluyan nang nagpalayo sa iskor ng Basilan, 77-59, na isang panalo na lang ang kailangan para isaayos ang best-of-three South final clash laban sa Davao Occ. Tigers, na nilamutak ang tila wala sa sariling Zamboanguenos.

Na-miss ng Strikers ang serbisyo ni go-to-guy Gab Banal, nang masaktan ang tuhod nito matapos makipagbanggaan kay Bulanadi, 1:19 sa second quarter.

Ang 75 total score ng Davao at Zamboanga ay bumura sa dating record low na 92 ng Cebu at Marikina.

Maging ang kanilang halftime total na 30 (19-11) ay bagong record din sa MPBL.

At ang final score ng Zamboanga na 28 ay nilaktawan ang 42-low ng Marikina.

Tatapusin ng Steel at Tigers ang semifinal series, habang pipiliting makahirit ng Strikers at Zamboanguenos ng doe-or-die sa Huwebes sa Strike Gymnasiun sa Bacoor. (VT ROMANO)

 

188

Related posts

Leave a Comment