BASTOS SA SOCMED YARI SA ANTI-BASTOS LAW 

boy bastos12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroong higit na tatamaan sa Anti-Bastos Law na naging batas matapos “maglapse into law”, ito ang mga bastos sa social media na malimit na nangyayari ngayon.

Ito ang napag-alaman sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at babantayan umano ng mga ito ang implementasyon ng nasabing batas upang maparusahan ang mga bastos, hindi lamang sa mga kalsada kundi lalo na sa social media.

Base sa nasabing batas, sinumang mambabastos o gagawa ng sexual harassment sa social media ay may multang P100,000 at makukulong ng dalawang buwan hanggang dalawang taon.

Mas mabigat ang parusang ito kumpara sa mga taong sangkot sa sexual harassment (ng personal) at magpapakita ng ari sa publiko dahil P10,000 lang ang multa sa unang pagkakasala at nanghipo na P30,000 ang multa at kulong na 11 araw hanggang isang buwan.

May multang P1,000 naman sa unang pagkakasala ang sexual harassment sa pamamagitan lang ng salita, maninipol, tingin na may pagnanasa at kapag muling inulit ang kasalanan ay ikukulong na ng anim hanggang 10 araw at multang P3,000 at sa ikatlong pagkakamali ay hanggang isang buwan nang makukulong at multang P10,000.

“Hindi magiging madali at mabilis ang mga pagbabago na nais ng panukalang batas, ngunit kailangan na itong gawin. Respeto talaga sa kapwa sa bawat sandali ng ating buhay, iyan ang nararapat,”ani BH party-list Rep. Bernadeth Herrera-Dy na isa sa mga nagsulong sa nasabing panukala.

Umaasa naman ang Gabriela womens party na matitigil na ang sexual assaullt, rape at violence against women na ginagawang katatawanan na lamang umano sa panahong ito.

Gayunman, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na dapat makipagtulungan ang mamamayan para maayos na maimplementa ang batas na ito at nang maparusahan ang mga bastos.

 

430

Related posts

Leave a Comment