BASURA MULA AUSTRALIA IKINAPIKON NA NG PALASYO

mindanao12

(NI BETH JULIAN)

HINDI pa man nareresolba ang problema sa basura na itinambak ng Canada sa bansa, isa na namang insidente ng pagharang sa shipment ng basura mula sa Australia sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Bunsod nito, tahasang inihayag ng Malacanang na hindi  papayagan ng Pilipinas na manatili sa bansa ang naharang na shipment ng basura.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na hindi tambakan ng basura ang Pilipinas at gaya ng Canada ay hindi hahayaan ng pamahalaan na may panibagong bansa na magtangkang magtapon ng basura.

Sa ulat, sinabi ni Bureau of Customs collector John Simon, galing sa Australia ang mga basura na nakuha mula sa pitong container vans.

Naka-hold ngayon ang mga basura sa Mindanao Container Terminal.

Sinabi ni Simon na maraming katanungan na dapat sagutin ang broker ng shipment dahil maraming nakitang mali sa deklarasyon nito.

Idineklara ang naharang na shipment bilang processed engineered fuel at municipal waste at ang consignee nito ay ang Holcim Philippines Inc. na naroon habang nagsasagawa ng inspeksyon.

Ipinaliwanag ng Holcim na ang PEF, na gawa sa na-process na basura, ay nagsisilbi bilang alternatibong fuel sa pag-produce ng semento.

 

152

Related posts

Leave a Comment