‘BIKOY’ SUMAILALIM NA SA BOOKING PROCESS

bikoy500

(NI JG TUMBADO)

ISINAILALIM sa booking procedure si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy” matapos itong sumuko sa PNP kasabay ng kanyang pagharap sa press conference kaugnay ng pagsisiwalat nito sa ilang liderato ng Liberal Party na nasa likod umano ng pagpapakalat ng “Ang totoong Narcolist” video.

Kinuhanan ng fingerprint at mugshot si Advincula sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.

Si Advincula ay nahaharap sa kasong estafa at illegal recruitment.
Bago ito sinabi ni PNP chief Police Gen. Oscar Albayalde na sumuko nang kusa sa mga pulis si Advincula.

Ang mga kaso ni Advincula ay nakasampa sa mga korte sa Baguio at Bicol.

171

Related posts

Leave a Comment