MULING niyanig ng magnitude 5.8 earthquake ang bayan ng Calatagan sa Batangas bago maghatinggabi noong Biyernes, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang 5.8 na lindol sa bayan ng Calatagan, dakong alas-11:08 noong Biyernes ng gabi, Agosto 13.
Sinabi ng Phivolcs, ito ay aftershock ng magnitude 6.6 earthquake na tumama sa Calatagan noong Hulyo 24.
Ang sentro ng lindol ay may lalim na 113 kilometers at tectonic ang origin ng pag-uga.
Naramdaman ang Intensity IV sa Puerto Galera, Oriental Mindoro habang Intensity II naman ang naitala sa Pasig City, Quezon City at Obando, Bulacan.
Nakapagtala ng Intensity IV sa Calatagan, Batangas; Puerto Galera at Calapan City, Oriental Mindoro; Lubang, Occidental Mindoro; Lipa City, Lemery at Taal sa Batangas; Biñan, Laguna; at Looc, Occidental Mindoro.
Intensity III naman ang naramdaman sa Pasig City; Paranaque City; City of Manila; Quezon City; Caloocan City; Mandaluyong City; Valenzuela City; Abra de Ilog, Oriental Mindoro; Obando, Bulacan; Batangas City; at Tanza, Cavite
Intensity II sa Meycauayan City at Malolos City, Bulacan; Makati City;
Pasay City; Pateros, San Jose, San Pascual, Bauan, Agoncillo, San Luis
at Talisay sa Batangas.
Habang Intensity I ang naramdaman sa Malabon City. (JESSE KABEL)
202 