BAWAT PINOY MAY UTANG NA 83K

DPA Ni BERNARD TAGUINOD

 

SUMARGO na sa P8.89 trillion ang utang ng Pilipinas sa loob at labas ng bansa kaya kung paghahatian ito ng 108 million Filipino, ang utang ng bawat isa sa atin ay P83,238.35.

Inaasahan na palaki pa ng palaki ang utang na ito dahil patuloy na nangungutang ang gobyerno para tustusan ang pangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya kaya lolobo din ang utang ng bawat isa sa atin.

Dahil din sa covid-19 na ito, umaabot sa P1.1 Trillion ang nautang ng ating gobyerno sa nakararaang 5 buwan mula Mayo ng taong ito na ginamit daw para makontrol ang pandemya na hindi naman nakokontrol.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang kasalukuyang administrasyon ang siyang pinakamalakas na nangutang dahil umaabot sa P63 Million ang inuutang nito buwan-buwan kumpara sa P21 Billion noong panahon ni Gloria Macapagal Arroyo at P19 Billion ni Benigno Aquino III.

Sinasabi ng mga eksperto, kung magbabayad ang bawat isa sa atin ng utang na ito, uunlad ang ating bansa dahil mabubura na ang utang ng ating gobyerno pero eto ang utang na hindi nahawakan at napakinabangan.

Pero hindi magbabayad ang mga Filipino sa utang na ito dahil mayorya sa atin ay walang kakayahang magbayad dahil sa aba nilang kakayahan. Wala na nga silang makain magbabayad pa ba sila ng utang na hindi naman nila nahawakan at napakinabangan?

                                                                                                                                                                                    *******
Speaking of utang, marami sa mga oligarch ang baon sa utang pero hindi sila problemado kapag hindi sila nakakabayad dahil ginarantiyahan ng gobyerno ang kanilang inutang.

Halos lahat ng mga oligarch ay may utang sa mga bangko, hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi sa ibang bansa at bago sila nakautang, nagbigay ng guarantee ang ating ­gobyerno. Ibig sabihin kapag hindi nakapagbayad ang mga oligarch na ito, ang gobyerno natin ang magbabayad.

Ibig sabihin, kukunin sa ating buwis ang ibabayad sa utang ng mga oligarch na ito. Parang walang hustisya dahil nabubuhay ang mga ito ng marangya sa utang nila na tayo ang magbabayad kapag hindi sila makabayad.

Tulad na lamang itong kaso ng pamilyang Lopez na noong 2006 ay pinatawad ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang kanilang utang na umaabot sa mahigit P1.6 Billion.

Hindi ko maintindihan kung bakit pinatawad o hindi na pinagbayad ng DBP ang pamilyang Lopez sa pagkakautang nilang ito gayung ang assets ng pamilyang ito noong 2018 ay mahigit P800 Billion.

Kahit mawala ang ABS-CBN sa pamilyang Lopez, ay nakapalaki pera pa rin ang hawak nila at noong namamayagpag pa sila ay kumikita na sila ng P2.6 Billion taon-taon sa Big Dipper operation pa lamang

Hindi pa kasama dyan ang kita ng kanilang network na noong 2017 ay nagdeklara sila ng P3.4 Billion na income ng kanilang network. Hindi pa kasama dyan ang kita ng kanilang power generation companies pero bakit pinatawad ang utang nilang ito?

Hindi ko maintindihan… kung ordinaryong mamamayan ang nangutang sa bangko at hindi nakabayad, tiyak hihilahin ang sasakyan mo, kukunin ang bahay at lupa mo pero dito sa ­pamilyang Lopez, pinatawad lang? Saan ang hustisya dyan?

187

Related posts

Leave a Comment