PINABUBUHAY ng isang mambabatas sa Kamara ang kultura ng mga Filipino na “bayanihan” sa gitna ng paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19 upang hindi na
lumala ang sitwasyon.
Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran ang nasabing mungkahi dahil kooperasyon o bayanihan ang isa sa mga epektibong solusyon para malagpasan ang
problemang ito.
Kailangang kumilos din aniya ang lahat ng mga barangay official sa buong Luzon at buhayin ang Barangay Emergency Response Teams (BERT) upang matulungan ang mga
kabarangay ng mga ito na karapat-dapat mabigyan ng economic aid.
Dapat din umanong magtulungan ang mga mamamayan sa bawat komunidad at huwag hayaang magutom ang kanilang mga kabitbahay.
“If our fellowmen are assured that they will have something to eat everyday, they won’t insist on finding ways to earn a living, especially those who rely on daily earning.
I also call on everyone to activate the “bayanihan” spirit in this crisis,” ani Taduran.
Umapela rin ang mambabatas sa mamamayan na hindi na dapat ipilit ang kanilang gusto tulad ng paglabas ng bahay para na rin sa kanilang kapakanan.
Inihalimbawa ng mambabatas ang kaso sa Italy kung saan hindi sinunod ng mga Italyano ang quarantine na ipinatupad ng kanilang gobyerno kaya dumami ang
nagkaroon ng COVID-19. BERNARD TAGUINOD
