ANG taong hanggang ngayon ay hinahamak at binabastos ang kanyang pamilya ay kailanma’y hindi natin naringgan ng masamang salita laban sa kanyang mga kalaban sa pulitika, at ano man ang mangyari’y ipaglalaban at poprotektahan ng sambayanan upang ang hinahangad na maiahon sa nararanasang kahirapan sa bansa ay matugunan sa pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Agad naman na dinepensahan ng maraming netizens ang hindi pagdalo sa isinagawang Presidential debates ng Comelec noong Sabado, ng patuloy na nangungunang candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nauna nang ipinahayag ni BBM ang kanyang panig kung bakit tumanggi ito sa imbitasyon dahil sa naging paulit-ulit na lamang na katanungan patungkol sa patuloy na paglason sa kaisipan sa sambayanan ng ilang kandidato ukol sa martial law at iba pang ibinabato sa pamilya Marcos.
Ill-gotten wealth at human rights violations ang laging laman ng banat at katanungan sa mga debate na ang ibinibigay lamang na oras upang sagutin ay ilang segundo at minuto lamang na hindi makatwiran at makatarungan dahil hindi sapat ang ilang minuto lamang upang maintindihan ng mga tao na dapat ay detalyadong kasagutan at katotohanan patungkol sa mga ibinabatong maling impormasyon na produkto pa noon ng Aquino administration upang siraan at palabasing naging masama ang pamamahala noon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Pilit na pinapaniwala ng ilang news agency at ilang presidential candidates na ang kahalagahan umano ng isang debate ay upang malaman ng publiko ang plataporma ng isang kandidato kung ito ba ay karapat-dapat na iboto, ito ay isang malaking kasinungalingan, kalokohan at paglason sa isipan ng mamamayan.
Ano nga ba ang posibleng sabwatan na nangyayari sa mga debate na inoorganisa ng ilang news agencies? Hindi ba ito naiimpluwensyahan ng ilang kandidato upang siraan ang isang tao para sa sarili nilang ambisyon kapalit ang bigyan ng sponsors ang programa mula sa mayayamang negosyante? Sa madaling salita, kadalasan ay negosyo ang nasa likod nito.
Gising na ang mga Pilipino sa political propaganda ng mga dilawan na naging pinklawan at sa ilang kandidatong pilit na pinapatakbo ng kanyang olig
aryo lalo na ang isang kandidatong panay ang putak sa social media sa paninira kay BBM na si Manila Mayor Isko Moreno na tila desperado nang mapansin at umangat sa surveys.
Bakit kaya, hindi ba mabenta Yorme, ang pagsasayaw mo na pang Adonis at pinili mo na lamang na manira ng kapwa mo kandidato? Tandaan, ang taong mapanira ng kapwa ay walang bait sa sarili.
Sa tuwing eleksyon ay nariyan ang panliligaw ng bawat kandidato sa mga botante kaya’t maging mapanuri at huwag maniwala sa mga mapanirang akusasyon. Kagaya na lamang ng nangyari bago pa man ang snap elections noong 1986, na maging ang isdang “galunggong” ay hindi nakaligtas sa political propaganda ni Cory upang siraan si Marcos Sr., na tinawag nitong isda ng mahihirap ngunit nang kanyang maagaw ang pamahalaan dahil sa People Power Revolution, ay naging kabaliktaran ang lahat at lalong dumanas ang bansa ng kahirapan, na-scam ang sambayanan, hanggang sa hindi pa nakakaisang taon sa puwesto si Cory ay dinagsa na ito ng rallies at kudeta ng mga dating sumuporta sa kanya upang patalsikin ito sa puwesto na dumanak ang dugo taliwas sa mapayapang EDSA Revolution.
Dalawang Aquino ang naging lider ng bansa, ngunit ang totoong nasa likod ng pagpaslang kay Ninoy ay kanila bang naresolba o pilit na itinago na lamang dahil sa ibibigay nitong kahihiyan?
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
