TINAWAG na desperada ni UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon ang kampo ni Vice President Leni Robredo dahil kahit resulta aniya ng survey ay pinepeke na nito ngayon.
“They have tried every tricks in the book but nothing is happening, So now they made up a fake survey firm and came up with fake survey results in a desperate effort to muddle the issue and confuse the voters. Mga bobo,” sabi ni Gadon.
Nabatid na isang ‘never heard’ na survey firm na ang pangalan ay TruthWatch Philippines Inc. (TruthWatch) ang naglabas ng resulta ng kanilang sariling survey kung saan ay sinasabing tumaas na umano sa kathang-isip na 30% ang ratings ni Robredo.
Ayon sa isang nagpapakilalang Dr. Dante Velasco, presidente ng TruthWatch, ang kanilang survey firm ay binubuo ng mga veteran survey specialists, research and communication professors, dating public officials at social development advocates pero hindi naman sinabi kung sino-sino ang mga iyon.
Dahil dito, sinabi ng mga lehitimong survey firms na panggulo lamang ng kampo ni Robredo ang resulta ng TruthWatch survey upang lituhin ang taumbayan.
Lalo’t sa nakalipas na Pulse Asia survey results na isinagawa noong March 17-21 ay 52% pa rin ang ratings ni presidential frontrunner at Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
“Anong klaseng mga tao ito? Dati hindi sila naniniwala sa survey. Nung tumaas ng konti si Lugaw aba’y pinangangalandakan na umaarangkada na raw sila at biglang naniniwala na. Pero nung nagsalita na halos lahat ng mga survey firms na milagro na lang talaga kung makakahabol sila aba eh biglang kambyo at ngayon nagtayo nang sariling survey firm,” ani Gadon na kandidato ng Kilusang Bagong Lipunan.
Sa naturang ‘bogus survey firm’ ay bumaba raw si Marcos sa 52% mula sa dating 60%, habang nakadikit na umano si Leni na may 30% at posibleng mag-tie raw ang dalawa.
Kaugnay nito, kuyog din sa social media dahil sa panibagong fake news na plano umano ng kampo ni Marcos na magpakawala ng ‘black propaganda’ kung saan ay isinasangkot umano sa iskandalo ang isa sa mga anak na babae ni Robredo.
Wala pang malinaw kung anong uri ng iskandalo ang sinasabing ipakakalat sa media ng Marcos camp, ngunit tiyak na ang unang nagpakalat ng ganitong uri ng impormasyon ay mismong mga supporter ni Robredo.
“Marites moment. But seriously. An unimpeachable source has said that the Blengbong camp is going to embark on a full-scale black propaganda campaign against VP Leni and her daughters right after Holy Week. Seems like there is some panic going on over there. Prepare to fight back!” ani Bart Guingona @guingonabart sa kanyang Twitter post.
Dahil dito, lalong nag-init ang mga netizen upang batikusin ang kampon ng anila’y ‘dilawan’.
Ilan sa puna nila ay ang bintang na itinuturo agad sa kampo ni Marcos. “Nasaan ‘yung scandal na sinasabi nila? Mayroon ba talaga?” sabi ni Bernard Arriola ng San Juan, Metro Manila.
“Hindi ba sila ang gumagawa ng black propaganda against sa mga Marcos? Marami na silang ginagawang pambu-bully at fake news sa mga anak ni BBM tulad nina Sandro at Vinny. Ngayong nabubuko ang kasalbahian nila sa mga bata, ibibintang naman nila kay Marcos. Kahit kailan, hindi nagsalita ng masama sa kanila si BBM,” sabi naman ni Teresa Mojica ng Lipa City.
Nagbahagi rin ng official statement sa kanyang Facebook page ang Chief of Staff at Spokesperson ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez kaugnay ng mga kumakalat na aniya’y panlilinlang ng kampo ni Robredo.
“Presidential frontrunner Bongbong Marcos’ net trust rating of 53% provides us with the motivation to continue with our positive way of campaigning.
Mrs. Robredo and her yellow crew can no longer deceive the Filipino people as we have all been awakened from their propaganda of lies, falsehood and politics of deception. In the spirit of lent, I admonish you not to pass on to us your brand of fake, hateful, negative and gutter politics.
Presidential frontrunner Bongbong Marcos has based his campaign solely on his call for unity anchored on the strengths and merits of his vision and platform for the future of our country, especially the youth that has resonated throughout the land and we shall keep it that way until the very end.
Enough of your deceptions,” pahayag ni Rodriguez.
224